Wednesday, May 28, 2008
Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
Ito ay kuha ko gamit ang aking lumang kamera bago pa man siya tuluyan ng bumigay, masira at di ko na magamit upang kumuha ng larawan. Nakakalungkot dahil marami rin kaming napagsamahan -tulad na lamang nitong isang paglalakbay sa Subic na ginawa naming magkakaibigan sa opisina.
Bawat taon ay binibigyan kami ng kaukulang salapi ng aming kumpanya upang gumawa ng kahit ano na para sa amin ay masaya. Naalala ko noong isang taon may mga grupong umakyat ng Mt. Pinatubo, mayroon naming umakyat ng Taal, may iba na sumisid sa dagat, naligo sa dagat, nag-wake-boarding, nag-rafting sa Cagayan de Oro, mayroon din na kumain ng buffet sa Spiral at iba pa. Ang naisipan naming gawin ng aking mga kaibigan ay dumayo sa Subic at makiisa sa kalikasan – binisita namig ang Zoobic Safari Zoo, Ocean Adventure at ang huli nga – kami ay nagparasailing.
Ako ay nakaakyat ng mataas at habang ito ay hila ng isang mabilis na bangka – naramdaman ko ang hangin na umiihip sa aking buong katawan. Kasabay nito ay ang pakiramdam ng kapayapaan. Ito ang pinakamataas na narating ko kung saan pakiramdam ko ay malapit ako sa langit. Habang pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan – napagtanto kong malawak at maganda pala ang mundo. Tahimik at payapa. Nawala ang aking takot. Ang humigit kumulang na apatanapung minuto na iyon ay ilan sa mga masasayang minuto ng aking buhay. Hindi ko ito malilimutan at sana ay maulit ko uli.
Ito ang aking unang lahok sa Litratong Pinoy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
parang di ko yata kayang sumakay jan! lucky you na experience mo na!
maligayang huwebes po!
http://etteysnaps.blogspot.com/
uyyy, gusto ko rin sanang magawa yan!!!
happy hwebes!
sa paglalarawan mo ng iyong pakiramdam, parang kaya ko rin ang mag-parasai :)
naging pastel yung colors ng parachute. ganda tingnan.
hindi ba nakakalula? baka di ko makayanan :D magandang araw ng Huwebes sa iyo.
RoseLLe (Reflexes)
Nakaktakot naman yan! Pero baka naman kapag ika'y nasa itaas na nga,m akakalimutan mo ang takot mo at tiyak na lulubusn ang ihip ng hangin at kakaibang karanasan sa ere.
Maligayang Huwebes!
na touched ako sa sinabi mo na mga minutong kapayapaan na hindi mo na makakalimutan, wow :)
greats shots!!
thesserie.com
wow ang ganda. sarap yata gawin yan ah
at ok ang kumpanya nyo ha....pwede ba mag apply jan...hehehe
Jeanny
Ang aking entry
Wow gaganda nman! ung huli mukhanga hindi lang mahangin, maulan pa!
Gusto ko din subukan yan!
wish ko lang na kayanin ko yan. eh yung banana boat lang naloka na ako eh..hehehe
welcome to LP!
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Ang "extreme" naman ng mga hilig ninyong magkakaibigan - pang-"FearFactor"! Hahaha!
Magandang weekend sa iyo!
parang ang sarap subukan! buti ka pa nagawa mo na :)
http://strawberrygurl.com/2008/05/29/lp-9-hangin-wind/
Post a Comment