
Ito ay kuha ko gamit ang aking lumang kamera bago pa man siya tuluyan ng bumigay, masira at di ko na magamit upang kumuha ng larawan. Nakakalungkot dahil marami rin kaming napagsamahan -tulad na lamang nitong isang paglalakbay sa Subic na ginawa naming magkakaibigan sa opisina.
Bawat taon ay binibigyan kami ng kaukulang salapi ng aming kumpanya upang gumawa ng kahit ano na para sa amin ay masaya. Naalala ko noong isang taon may mga grupong umakyat ng Mt. Pinatubo, mayroon naming umakyat ng Taal, may iba na sumisid sa dagat, naligo sa dagat, nag-
wake-boarding, nag-
rafting sa Cagayan de Oro, mayroon din na kumain ng
buffet sa Spiral at iba pa. Ang naisipan naming gawin ng aking mga kaibigan ay dumayo sa Subic at makiisa sa kalikasan – binisita namig ang Zoobic Safari Zoo, Ocean Adventure at ang huli nga – kami ay nag
parasailing.

ang aking mga kaibigan sa kanilang paglipadAko ay nakaakyat ng mataas at habang ito ay hila ng isang mabilis na bangka – naramdaman ko ang hangin na umiihip sa aking buong katawan. Kasabay nito ay ang pakiramdam ng kapayapaan. Ito ang pinakamataas na narating ko kung saan pakiramdam ko ay malapit ako sa langit. Habang pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan – napagtanto kong malawak at maganda pala ang mundo. Tahimik at payapa. Nawala ang aking takot. Ang humigit kumulang na apatanapung minuto na iyon ay ilan sa mga masasayang minuto ng aking buhay. Hindi ko ito malilimutan at sana ay maulit ko uli.

Ito ang aking unang lahok sa
Litratong Pinoy.