Wednesday, June 25, 2008

Litratong Pinoy: Pag-aaral


Naalala ko na ito ang mga paborito kong gamiting pangmarka noong ako ay nasa kolehiyo pa.
Ano ang iyong paboritong kulay?



Ito naman ang paborito kong pansulat (hanggang ngayon).
Bensia kung ito ay tawagin. Sa tingin ko ay ito ang tatak ng lapis na ito.
Isa lang ang gusto kong kulay ng aking bensia - purple.



Kagabi ay nag-aaral ang aking kapatid. Ang linggo na ito ay linggo ng kanilang pagsusulit.
Sa Calculus siya pinakanahihirapan.
Saang subject kayo pinakanahirapan?

***

Mahirap rin pala mag-aral kasabay ng pagtratrabaho. Mahirap, subalit alam mo naman na para ito sa iyong personal na pagunlad.
Mapapadali kaya nito ang aking pag-aaral ngayon?

ang imahe ay mula sa pink--laptop.blogspot.com

Ito ang aking pinapangarap. Siguro sa buwan ng Setyembre na ko bibili. Tamang-tama sa subject ko na Statistics. Haaay, katakot!


Maligayang Huwebes!





14 comments:

ces said...

gusto ko rin ang purple na kulay sa panulat, kakaiba kasi db? goodluck sa pagbili mo ng pink laptop!
spiCes

kiwipinoy said...

uy! bensia, mongol lang ang kaya ko bilhin eh.

 gmirage said...

blue sakin, uso noon parker may pangalan pa!

pinakaayoko ang accounting (highschool) at theology (college) na-FA ako minsan dun lol...

lidsÜ said...

orange stabilo! :P
loved bensia too!

go for the vaio! yahoo!
magangdang huwebes sa'yo!

etteY said...

pink of course! hehhe! gusto ko rin yung pinapangarap mo! ^_^

Tes Tirol said...

ako din mahilig mag-ipon nyan, iba-ibang kulay pa :) Pero umiikot ang ulo ko sa mga libro mo, huminto na ko sa long division he he he

happy LP!

andito ang lahok ko:
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/

Dyes said...

hahaha! naalala ko tuloy kung paano naging makulay ang mga libro ko! uyy, type ko rin yung pink laptop, kaso di ko pa sya kelangan eh :)

Pete Erlano Rahon said...

di ko masyadong nilalagyan ng highlight ang mga books ko, but i use highlighter on bond papers instead.

EEE PC ng asus, but still am keen an getting a macbook ( din na macbook air - madali daw mayupi)

arvin said...

Hindi ako gumagamit ng highlighter, hindi nga ako masyado nagbabasa ng notes eh, hehehe:D Huwaw, Pink na vaio! Ako e kahit na ano, basta laptop:D Hehehe. Nangarap na naman.

komski kuno's last blog post.. Walang tao, ikaw na lang.

Toni said...

Bensia! Gradeschool pa yata nang huli akong gumamit ng mga lapis tulad niyan. Nakaka-senti. :P

Jeanny said...

noong college ako...marami akong pangkulay, pinaka paborito ko sa lahat yung oil pastel at prang color...paborito ko kasi ang mag render

Naku!!!calculus..mapa deferential o integral calculus kamote ako...so iba na lang pag usapan natin...sa kulay na lang hehehe...

Neri said...

hilig ko rin noon ang stabilo pero fave kong gamitin ang green ^^
hirap ako sa memorization kaya pinakamababa ko parati ang history wehehe

good luck sa inyong magkapatid at maligayang paglilitrato! :)

TeacherJulie said...

Gusto ko noon ay yellow green/neon green :)

Ay, ayaw ko ng calculus, nose bleed yan sa akin, buti wala kami ganyang subject :D


Pagkatuto

Thess said...

Hindi ko ginagamitan ng higlight ang libro kasi either hiram o ibebenta kasi mga ito matapos ko gamitin :)

exciting yung vaio! sana mabili mo agad :)

Thesserie.Com