Wednesday, June 4, 2008

Litratong Pinoy: Pag-iisang Dibdib



Marami ang nagsasabing ang kasal ay parang kaning isinusubo . . .

. . . pwede kang mapaso

. . . kapag hilaw ang kanin, hindi mo pwedeng isipin na maluluto ito sa iyong bibig

Katulad ng kasal, dapat sigurado ka kung kailan mo ito isusubo at gagawin

Subalit, hindi ba’t masayang makakita ng mga magsing-irog na masayang nagplaplano ng kanilang kasal?

Kayanin kaya akong buhatin ng aking magiging asawa katulad na lamang ng nasa larawan?


Maligayang unang Huwebes sa buwan ng Hunyo!



17 comments:

lidsÜ said...

hehe!dapat kayanin!
magandang huwebes sa'yo!

RoseLLe said...

kaya man o hindi...tuloy ang kasalan :)

happy LP!

Reflexes

TeacherJulie said...

Noon kaya akong buhatin, ngayon, hindi na :D

Magandang Huwebes sa iyo!


http://greenbucks.info

Dyes said...

haha hindi ko na tinangkang magpabuhat! baka mabalian pa ng buto, sayang naman :)

arvin said...

kapag sinubo mo na kahit hilaw, panindigan mo, kainin mo pa rin:D Mahal pa naman ang bigas ngayon, hehehe.

alpha said...

salamat ayen sa pagbisita sa LP ko.. sana nga ay kayanin kang buhatin ng future hubby mo.. oh well, wala syang choice kelangan kayanin hehehe

Anonymous said...

masarap ang kumain ng kaning mainit pero mahirap ang mapaso. ;) naghahanda talagang mabuti para sa buhay may-asawa. :)

hapi LP!

Sumpaan
Abay

iris said...

bakit naman hindi, basta sa ngalan ng pag-ibig kakayanin ka dapat buhatin ng iyong asawa! hehe.

Dragon Lady said...

salamat sa pagbisita sa aking mga lahok, ayen! ikinagagalak ko ang aking unang pagbisita sa iyong blog.

siguro naman ay kakayanin kang buhatin nang magiging esposos mo, hehe. :)

Jeanny said...

hmmmm...pag excited makasal...makakaya yan,hehehe "wink"

cute ng topper

Jeanny
My LP#10

ces said...

ang cute! syempre naman pag may will, may way:)salamat sa dalaw!
spiCes

lino said...

nice... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)


http://linophotography.com

Unknown said...

ang cute naman ng mga figurine na yan. :) presious moments ata tawag sa kanila di ba? un mga cute na bata na karaniwan drawing sa mga cards. :)

Anonymous said...

salamat sa dalaw mo. :) ako yata, di na rin kaya buhatin ng asawa ko. :P

Leah

Anonymous said...

Ayen, mukhang isang collector ka ng mga figurines ha, tama ba?

Gusto ko yung Precious Moment figurine mo. Cute.

Happy LP!

Nina said...

ang cute naman ng souvenir na yan :) Salamat sa dalaw. Pasensya na at huli ako medyo busy. Hapi LP.

Lin said...

oh my gosh, tagalog, nosebleed hahahha