(Dapat sana kuha ng La Salle ang aking lahok sa linggong ito. Di nga lang ako nakapasok sa klase noong nakaraang Sabado kaya di ako nakakuha ng larawan. Sayang).
Ito na lang ang aking lahok. Isa ito sa mga paborito kong larawan. Kuha ito sa Calirana Resort kung saan kami namalagi ng ilang araw noong Mayo ng aking mga kaibigan. Ang bata sa larawan ay anak ng tagapag-alaga ng nasabing resort.
Noong nakaraang Sabado lang ay nasa Caliraya uli ako. Ang lawa ng Caliraya ay matatagpuan sa bayan ng Lumban sa Laguna. Ngayon naman ay sa Caliraya Recreation Center kami namalagi. Maganda ang lugar na iyon at maraming outdoor activities na pwedeng gawin. Ilalahad ko na lang sa mga susunod na araw. Ito naman ang mga kuha ko sa lugar na iyon.
5 comments:
Nakadaan kami minsan nung nagbisita Iglesia ang parokya namin sa Laguna. Dumaan kami galing Pagsanjan:)
Nice! Ang galing ng selective coloring dun sa unang larawan!
Magandang Huwebes!
twice na rin akong nakarating sa caliraya, nakakamangha na kaya din gumawa ng tao ng ganito kalaking lawa, ano? pero ang alam ko bawal mag-swimming. kasi daw, dahil nga man-made, merong mga ridges sa ilalim na nakakamatay. wala lang. kaya siguro titigan na lang, huwag nang mag-swimming, hehe.
oops, naiwan ang aking mga lahok, haha! hinigop ng lawa :P
Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds
Ang ganda dun ano? Nagstay na din kami dati sa Caliraya Recreational Center. Pang-retreat pa rin ba dun? Masarap ang buffet nila dun, haha! Parang hindi ka nagre-retreat.
Luntian
Post a Comment